Template:Appeal/JimmyLetterA-2010/tl
Tila maraming kakaibang mukha lang ang nabatid ko sampung taon nang nakalilipas nang sinimula kong magsalita sa tao tungkol sa Wikipedia.
Sabihin na lang nating mayroong mga taga-negosyong nagdududa sa nosyong maaaring makisama ang mga boluntaryo mula sa lahat ng sulok ng mundo para lamang makagawa ng isang bukal ng kaalaman – lahat para lamang sa layuning makapagbahagi.
Walang patalastas. Walang pakinabang. Walang balak.
Matapos ang sampung taon, higit sa 380 milyong katao na ang gumagamit ng Wikipedia buwan-buwan – halos 1/3 ng mundong nakakabit sa Internet.
Ito ang ikalimang pinakasikat na websayt sa mundo. Itinaguyod at ipinapanatili naman ang unang apat gamit ng bilyun-bilyong dolyar na puhunan, maraming mga empleyado at walang-patid na pagmemerkado.
Ngunit hindi maihahambing ang Wikipedia sa isang pangkomersiyong websayt. Ito ay isang pampanayanang likhain, na isinulat ng mga boluntaryong gumagawa ng isang entrada bawat oras. Bahagi ka ng aming pamayanan. At sumusulat ako sa inyo para protektahan at panatilihin pa ang Wikipedia.
Sama-sama natin kayang panatilihing libre ito at malaya sa mga patalastas. Kaya natin itong panatilihing bukas – maaari mong gamitin ang impormasyon sa Wikipedia sa kahit anong paraan mong gusto. Kaya nating payabungin pa – ikinakalat ang kaalaman kahit saan, at nang-iimbita sa lahat na makilahok.
Bawat taon sa kasalukuyang panahon, abot-kamay kaming humihiling sa iyo at sa iba mula sa buong pamayanan ng Wikipedia na tumulong sa pagpapanatili ng ating pinagkakaisahang gawain sa murang donasyon ng $20, $35, $50 o higit pa.
Kung hinahalaga mo ang Wikipedia bilang isang pinagmulan ng impormasyon – at bilang isang pinagmulan ng inspirasyon – umaasa ako na gagawin mo na ngayon ang tama.
Taos-pusong bumabati,
Jimmy Wales
Tagapataguyod, Wikipedia
P.S. Tungkol ang Wikipedia sa kakayahan ng taong gaya natin na makagawa ng mga nakamamanghang bagay. Ang mga tao gaya natin ang sumusulat ng Wikipedia, isang salita bawat oras. Ang mga tao gaya natin ang nagpapatakbo dito, isang donasyon bawat oras. Patunay ito ng ating kolektibong potensiyal na baguhin ang mundo.