Template:Appeal/Brandon/tl

Revision as of 19:22, 23 November 2011 by Ppena (talk | contribs)

Nararamdaman ko na parang namumuhay ako sa unang linya ng aking obituwaryo.

Hindi ko maiisip na mayroong iba pa na magagawa ko sa aking buhay na importante pa sa ginagawa ko para sa Wikipedia. Hindi lang tayo gumagawa ng isang ensiklopedya, kundi para palayain rin ang mga tao. Kapag naaabutan natin ang malayang kaalaman, mas mabuti tayong tao. Nauunawaan namin na mas malaki ang mundo kaysa sa atin, at nadadapuan tayo ng kaalaman at pag-unawa.

Panlima ang Wikipedia sa pinakabinibisitang websayt sa buong mundo. Namamasukan ako sa maliit na organisasyong 'di-kumikinabang na nagpapanatili nito sa web. Hindi kami nagpapatakbo ng mga patalastas sapagka't masasakripisyo ang aming kalayaan kapag nagawa namin iyon. Hindi at hindi dapat gamitin ang websayt para magpahayag ng propaganda.

Posible ang aming mga gawain dahil sa mga kaloob mula sa aming mga mambabasa. Kaya mo bang protektahan ang Wikipedia sa pagbibigay ng $5, €10, ¥1000 o kahit magkanong makakayanan mo?

Namamasukan ako sa Pundasyong Wikimedia dahil sinasabi ng aking kaluluwa na tama itong ginagawa ko. Namasukan na ako sa mga malalaking kompanyang panteknolohiya, na nagtatrabaho para gumawa ng mga bagay na idinisenyo para dumukot ng pera mula sa mga batang walang muwang. Pag-uwi ko sa bahay mula sa trabaho, pigang-piga na ko.

Siguradong hindi mo pa ito alam, ngunit kaunti lang ang mga taong nagpapatakbo sa Pundasyong Wikimedia. May libu-libong katao at malalaking badyet ang iba sa mga sampung pinakakilalang websayt. Subali't naglalabas sila ng kaunti kung ipagkukumpura sa inilalabas namin gamit ng tukol at alambre.

Kapag nagbigay ka sa Wikipedia, sinusuportahan mo ang malayang kaalaman sa buong mundo. Hindi ka lamang nagbigay ng pamana sa iyong anak at sa kanilang anak, kundi inangat mo pa ang ibang mga tao upang maabutan nila ang kayamanang ito. Tinitiyak mo na isang araw, gagawin din ito ng lahat.

Maraming salamat,

Brandon Harris
Tagapagprograma, Pundasyong Wikimedia