Template:Appeal/Alan/tl

Revision as of 16:00, 14 November 2011 by Jsoby (talk | contribs) (Bot: Using standard numbers in appeals)

Nakalikha na ako ng 2,463 artikulo sa Wikipedia. Lahat ito nang libre.

Isa akong kasangguning pansistema na nagtatrabaho sa mga napakalaking pampananalaping sistemang pangkompyuter. Kung may katumabas lamang na halaga ang mga panahong ginugol ko sa Wikipedia, aabot na ito sa libu-libong dolyar para sa akin.

Subali't hindi pera ang insentibo rito. Kakaiba ang itinuturing na salapi sa Wikipedia. Malugod kong ibinibigay, gayon na rin ng libu-libo pang mga patnugot, ang mga impormasyon at natutuwa kaming gawin ang mga ito. Alam namin lahat na mas maayos ang daigdig dahil malaya nating makukuha ang mga impormasyong kailangan natin.

Talaga naman, ang imprastrakturang nagpapanatili sa impormasyong iyon na ito ay hindi libre, at kaya bawa't taon ay humihingi kami ng mga kaloob. Walang mga patalastas ang Wikipedia, walang biglang sumusulpot na kung anu-ano, walang nakalagay sa gilid, wala kaming gustong ibenta sa iyo. Walang bahid ng mga transaksiyong pangkomersiyo ang Wikipedia.

Kinakailangan lamang namin ang iyong suporta gamit ng $5, €10, ¥1000 o kung magkano man ang iyong makakayanan upang patuloy na maihatid ang impormasyong ito sa iyo.

Ang imprastrakturang sumusuporta sa aming gawain, na inaabalahan ng 'di-kumikinabang na Pundasyong Wikimedia, ay sapat na sapat lamang. May halos isang milyong serbidor ang Google. May halos 13,000 tauhan naman ang Yahoo. Mayroon kaming 679 serbidor at 95 tauhan.

Ikalima sa pinakabinibisitang websayt sa buong mundo ang Wikipedia at naglilingkod ito sa 450 milyong katao bawa't buwan – na may bilyun-bilyong pagtinging sa mga pahina,

Kung pag-uusapan ang paraan kung paano naitayo ang ekonomiya, iisipin lang nating nagtatrabaho ang mga tao para sa pera lamang. Paano nga naman sila mamamasukan kung hindi man lang sila masasahuran?

Sa Wikipedia, ang pagnanais na tumulong at mapalago ang kaalaman ang siyang naging batayan upang makabuo ng isang hindi matatawarang yaman. Ang kalinangan ay hindi para sa makapagbabayad ng pinakamalaki. Makakukuha ka ng maayos at walang-kinikilingang impormasyon. Naisasaayos ito sa isang masinsing pamamaraan, may maayos na dokumentasyon, may maayos na batayan, napapanahon at kung kailan mo gusto.

At para sa akin, isa itong napakalaking bagay.

Maraming salamat,

Alan Sohn
May-akda ng Wikipedia